-- Advertisements --

Nananatili pa rin sa low risk classification para sa COVID-19 ang National Capital Region (NCR), ayon sa independent research group na OCTA.

Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David, ito ang kanilang nakikita para sa Metro Manila sa ngayon sa kabila nang nauna nilang projection na baka magkaroon ng “Valentine spike” sa rehiyon.

Bukod sa NCR, nasa low risk classification din sa ngayon ang Calabarzon.

Sa kasalukuyan, ang positivity rate ng NCR ay 6 percent habang ang healthcare utilization rate naman ay nasa 26 percent.

Ang reproduction number naman nito ay 0.20 at ang average daily attack rate naman ay 3.45.


Kahapon, iniulat ng Department of Health na mayroong 2,196 na bagong COVID-19 cases sa bansa, dahilan para umakyat ang total caseload sa 3,646,793.