Iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation ang pagkamatay ng 10 anyos na batang lalake sa Tondo Manila, matapos siyang tulihin ng isang midwife.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, aaralin nilang mabuti ang resulta ng autopsy na isinagawa sa bata upang matukoy kung ano ang tunay na dahilan ng kaniyang pagkamatay.
Tutukuyin dito aniya kung mayroong paparusahan at kung sino ang paparusahan o sasampahan ng kaso.
Agad din aniyang magpapadala ang NBI ng subpoena sa mga natutukoy na suspek kapag natapos na ang autopsy ang ang pag-aaral dito.
Unang dinala ang 10-anyos na bata sa Clarin’s Lying-In and Medical Clinic sa Barangay 146, Pasay City, para sa sumailalim sa circumcision operation.
Batay sa inisyal na pagsisiyasat, tinurukan umano siya ng 20cc ng anesthesia bago ang procedure. Matapos nito ay tuluyan na umanong dumanas ang bata ng serye ng seizure at nahirapang huminga.
Nadala pa siya sa Tondo Medical Center ngunit kinalaunan ay idineklara ring dead on arrival.
Matapos ang insidente ay dumulog ang magulang ng bata sa NBI office sa sa Pasay upang hingin ang tulong ng kawanihan at maimbestigahan ang nangyari.