Arestado ang isang nagpakilalang intelligence officer ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa tangkang pang-arbor sa tiyuhin nitong naaresto ng Makati City PNP.

Ayon sa Makati City PNP, nagtungo sa kanilang himpilan ang inireklamong si Monakiram Batabor at ito ay pilit na inaarbor at inaareglo ang kaniyang tiyuhin.

Nakumpiska sa suspek ang service firearms nito at napag-alaman na ito ay nakadestino sa Caraga region.

Noong nakaraang araw ay naaresto ang tiyuhin ng suspek kasama ang pitong iba pa sa Barangay Guadalupe Nuevo kung saan nakumpiska sa kanila ang 14 na plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang droga.