Screenshot 20200329 133813 com.twitter.android
Knick owner and MSG chair James Dolan (Twitter photo from (_Sports Network)

Inanunsiyo ng team na ang  owner ng kanilang NBA franchise na New York Knicks na si James Dolan ay nagpositibo sa coronavirus.

Si Dolan, ang tumatayo ring executive chairman ng pamosong Madison Square Garden Company.

Sa ngayon nasa ilalim na rin ito s self-isolation at wala namang nararamdamang COVID symptoms.

Kaya naman nilinaw ng New York Knicks PR, na mananatili pa rin si Dolan sa pagpapatakbo sa business operations ng koponan sa kabila na ito ay COVID positive.

Wala namang iniulat na may Knicks player na nahawa rin sa deadly virus.

“The Madison Square Garden Company Executive Chairman and Chief Executive Officer Jim Dolan has tested positive for coronavirus. He has been in self-isolation and is experiencing little to no symptoms. He continues to oversee business operations,” bahagi nang anunsiyo ng NY Knicks PR.

Sa ngayon ang New York City ang itinuturing sa US na hotspot sa coronavirus outbreak kung saan halos 30,000 ang mga kaso sa siyudad pa lamang.

Liban nito umaabot na rin sa 728 katao ang mga namamatay.