Unti-unti nang inilalatag ng NBA ang pagsisimula ng kanilang 2020-2021 season sa pamamagitan nang pagbubukas sa Dec. 2 ng taong kasalukuyan.

Ang naturang impormasyon ay ipinaabot na rin ng liga sa mga Board of Governors.

Sinasabing magkakaroon ng 72-games kung saan mauuna ang mga laro, tatlong araw bago ang kapaskuan.

Gayunman kailangan pa rin daw na ikumpirma ang petsa dahil sa kokunsultahin din ang National Basketball Players Association.

Kung maalala kamakailan lamang ay namayani ang Los Angeles Lakers sa championship game kontra sa Miami Heat sa pamamagitan ng isinagawang NBA bubble sa Florida.