-- Advertisements --

Nagpaalala ang NBA na limitahan ang pakikihalubilo sa mga tagahanga bilang pag-iingat bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus sa Estados Unidos.

Sa pahayag ng liga, mas mainam umano na fist-bumps na lamang at hindi high-fives ang gawin ng mga players sa mga fans.

Inabisuhan din ang mga players na huwag hahawakan ang anumang bagay na ipinapasa ng mga fans para sa autographs, gaya ng mga pen at jerseys.

“The health and safety of our employees, teams, players and fans is paramount,” saad ng NBA.

“We are coordinating with our teams and consulting with the CDC and infectious disease specialists on the coronavirus and continue to monitor the situation closely.”

Una nang nagsabi si Portland Trail Blazers guard CJ McCollum na hindi raw muna siya pipirma ng mga autographs.