Balik-ensayo na sa basketball court si Indiana Pacers star Tyrese Haliburton, dalawang buwan matapos ang kaniyang matagumpay na operasyon.
Bagaman hindi pa niya nagagawa ang karaniwang ‘running and shooting’ exercise, nakakapaglakad na ito sa basketball court at nagagawang makapagdribble ng bola sa loob ng ilang minuto.
Posible ring sa susunod na mga lingo ay tuluyan na siyang makakapaglakad ng mas mabilis nang walang umaasiste at walang protective boot.
Kung babalikan ang Game 7 sa pagitan ng Indiana Pacers at Boston Celtics, nagtamo si Haliburton ng Achilles injury sa kaniyang kanang binti, daan upang hindi na siya makapaglaro sa kabuuan ng Finals.
Agad siyang sumailalim sa mga serye ng operasyon at hanggang sa kasalukuyan ay patuloy ang kaniyang rehabilitation.
Maliban sa rehab, nagawa na rin ng Pacers star na dumalo sa isang training camp sa Indiana Pacers Athletic Center kung saan 300 basketball campers ang kaniyang nakasalamuha.
Bagaman limitado lamang ang galaw ng bagitong guard, nagawa niyang makipag-usap at humarap sa mga kabataan.
Si Haliburton ay isa sa mga NBA star na nagtamo ng Achilles injury sa 2025 playoffs.
Unang nagka-injury sina Portland Trail Blazers guard Damian Lillard at Boston Celtics forward Jayson Tatum na kasama rin niyang sumasailalim sa rehabilitasyon.
Posibleng aabutin ng isang buong season ang pagpapagaling o rehabilitasyon ng mga naturang NBA star dahil sa kanilang injury.