-- Advertisements --
Surpresang bumisita sa Kyiv, Ukraine si Prince Harry.
Isinagawa ng Duke of Sussex ang pagbisita ilang araw matapos ang pagbabalik nito sa Britanya at nakasalamuha ang amang si King Charles III.
Ang pagkikita ng mag-ama unag pagkikita matapos ang mahigit 19 na buwan.
Lulan ng tren ay dumalo ito dahil sa imbitasyon mula sa gobyerno ng Ukraine.
Nakasalamuha niya ang nasa 200 na mga dating sundalo at nakapanayam ang ilang sundalo na sugatan sa giyera.
Si Harry ay nagsilbi ng halos isang dekada sa Britis Army kung saan sangkot ito sa mga iba’t-ibang aktibidad at mga charities kabilang ang pagtulong sa ibang mga sundalo.