-- Advertisements --

Natapos na ang kampanya ni Pinay tennis star Alex Eala sa SP Open sa Brazil.

Ito ay matapos na talunin siya ni Janice Tjen ng Indonesia 6-4, 6-1 sa quarterfinals ng nasabing torneo.

Ang nasabing pagkatalo ay nagtutuldok sa pitong magkakasunod na panalo ni Eala mula ng makuha ang kampeonato sa Guadallajara 125 Open noong nakaraang Linggo.

Sa unang set ay dominado ni Eala ang laro 3-0 hanggang sa makabangon ang Indonesian player at doon ito umarangkada.

Pagpasok ng second set ay nakuha nito ang panalo sa unang laro subalit ipinako ito ni Tjen para tuluyang makapasok sa semifinals.

Susunod na lalahukan naman ranked 61 na si Eala ang Jingshan Open sa China na gaganapin mula Setyembre 22 hanggang 28.