LeBron James at Giannis Antetokounmpo
NBA contenders

Pinarereport na ng National Basketball Association (NBA) ang mga players sa kanilang mga teams simula sa Lunes.

Kung maaalala mula pa noong March 11 ay sinuspinde ang mga laro bunsod ng coronavirus pandemic.

Sa ngayon nasa 22 teams lamang mula sa kabuuang 30 teams ang makasali sa restart ng season at playoffs.

Batay sa inilatag na schedule ang postseason ay magsisimula sa Aug. 17.

Ang NBA Finals naman ay dapat daw magsoimula sa Sept. 30 kung saan ang Game 7 ay lalaruin sa Oct. 12.

Ito naman ay tatlong araw bago ang 2021 NBA Draft.

Samantala ang training camp para sa 22 mga teams na tutungo sa Walt Disney World Resort sa Florida ay itinakda naman sa July 9 hanggang July 29 bago ang restart ng season sa July 30, 2020.