Dumami pa ang bilang ng mga NBA players na naturukan na ng COVID-19 vaccines.
Ayon kay NBA executive director Michele Roberts na nasa halos 95 percent ng mga manlalaro na ang nakatanggap na ng kanilang first dose.
Ang nasabing pagtaas ng bilang ng mga nagpapabakuna ay bunsod ng kautusan na limitado lamang silang maglaro sa kanilang sarilng home court at bawal silang dumayo.
Bukod pa sa ihihiwalay sila sa mga kasamahan nilang bakunado na.
Dagdag pa nito na posibleng magkakaroon pagkairita ang mga bakunadong manlalaro laban sa hindi bakuna kapag sila ay maglalaro na dahil sa pangambang mahawaan sila ng COVID-19.
Magugunitang ilang mga manlalaro na kumokontra sa pagpapabakuna ay sina Kyrie Irving, Andrew Wiggins at Bradley Beal habang ibinunyag ni Los Angeles Lakers star LeBron James na ito ay nabakunahan na.