Hiniling ng Philippine National Police (PNP) sa mga opisyal ng barangay at publiko na tumulong para mapanatiling mapayapa at maayos ang pag diriwang ng pagsalubong sa bagong taon.
Sa isang pahayag pinaalalahan ni PNP acting chief Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr. ang publiko na panatilihin ligtas ang pagdiriwang ng bagong taon, dahil ilang araw bago ang mismong Bagong Taon ay mayroon ng naiitatalang hindi bababa sa 100 na indibidwal ng biktima ng paputok.
Kaugnay nito, nanawagan ang hepe ng pulisya sa mamamayan na iwasan na ang paggamit ng paputok para sa kanilang kaligtasan, hinimok din nito ang mga lider ng barangay na maging aktibo at siguruhin ang seguridad ng mga mamamayan sa kanilang lugar lalong-lalo na ang pagbabawal ng paggamit ng mga ilIgal na paputok sa pagdiriwang ng bagong taon.
Tiniyak naman ni Nartatez, na kaisa ang buong hanay ng kapulisan sa pagsisiguro ng ligtas at maayos na pagsalubong ng bagong taon kung kaya’t hinihikayat niya ang publiko na makipagtulungan sa PNP.
Samantala, sa huling datos na inilabas ng Department of Health (DOH) pumalo na sa 91 ang kaso ng mga indibidwal na nasugatan dahil sa paputok, mas mababa ito ng 34% kumpara sa naitala ng ahensya noong nakaraang taon kung saan umabot sa 137 ang kaso ng mga biktima ng paputok.
Habang ipinagbabawal parin ang paggamit ng mga paputok tulad ng watusi, lolo thunder, pop pop, atomic triangle, pla-pla, mother rockets, piccolo, at goodbye Philippines.”















