-- Advertisements --
Pinagmulta ng NBA ng $50,000 ang Los Angeles Clippers dahil sa komento tungkol sa kanilang manlalaro na si Kawhi Leonard.
Kasunod ito ng hindi paglalaro ni Loenard dahil sa knee injury.
Napukaw ang atensyon ng NBA sa komento ni Clippers coach Doc Rivers tungkol kay Leonard.
Lumabas kasi na tila iniimbento lamang ng koponan ang injury ni Leonard.
Subalit ipinagigiitan pa rin nila na mayroong matinding injury ang kanilang star player kaya hindi na nila ito pinaglaro.