-- Advertisements --

Nagpa abot ng pagbati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Pinaty tennis star Alex Eaka kasunod ng panibago na namang tagumpay na nakuha ni Pinay tennis sensation Alex Eala matapos manalo sa Women’s Tennis Association singles kung saan ay tinalo nito si Jessica Pegula ng Estados Unidos.

Sinabi ng Pangulo na kanyang binabati si Eala  sa panibagong makasaysayang tagumpay habang pinatutunayan nito kung ano ang kayang marating ng Pilipinas sa larangan ng tenis.

Patuloy din aniyang nagbibigay-inspirasyon si Eala sa napakaraming kabataang Pilipino na mangarap nang walang hangganan.

Kasama aniya ng Pinay tennis superstar ang sambayanang Pilipino sa pagdiriwang ng panibagong tagumpay nito kung saan lumikha ng kasaysayan bilang kauna- unahang manlalaro sa Pilipinas na makakuha ng WTA championship.