Charles Barkley
Charles Barkley in 2008 (Wiki file photo)

Inanunsiyo ng NBA great na si Charles Barkley na nagnegatibo siya sa COVID-19 matapos na sumailalim sa test.

Una nang nagpakita umano ng sintoma ng virus si Barkley noong March 12, matapos ipatigil ng NBA ang mga laro habang si Utah Jazz center Rudy Gobert ay nagpositibo naman.

Si Barkley, 57, ay dumalo rin sa All-Star Game sa Chicago, isang buwan na ang nakakalipas kung saan sina Gobert at teammate Donovan Mitchell na nandoon din ay kapwa na-test at nagpositibo.

Liban nito, nagtungo din si Barkley sa New York kung sana siya nakabasi, ang lugar kung saan may pinakamaraming COVID cases ngayon sa US.

“I’ve received my COVID-19 test results this morning and they are negative,” ani Barkley sa isang statement na inilabas ng Turner Sports. “I’d like to thank everyone for reaching out and expressing your concern and support. You all be safe and please take the necessary actions to help ensure your well-being.”