bird magic nba
Magic Johnson and Larry Bird/ Photo courtesy of NBA

Nakatakdang gawaran ng joint Lifetime Achievement Award sina basketball icons Magic Johnson at Larry Bird sa gaganaping 2019 NBA Awards.

Sa anunsyo ng NBA ngayong Huwebes, paparangalan ang dalawa sa isang seremonya na idaraos sa Los Angeles sa Hunyo 24.

Sina Bill Russell (2017) and Oscar Robertson (2018) ang huling legends na nakatanggap ng nasabing parangal.

Matatandaang naging magkatunggali sina Johnson at Bird noong 1980s noong panahong matindi pang magkaribal ang Los Angeles Lakers at Boston Celtics.

Nakatulong din ito upang mapukaw ang imahinasyon ng mga basketball fans, na naging sanhi upang maging matagumpay ang modernong NBA.

Kapwa ring itinanghal ang dalawa bilang NBA Most Valuable Player sa tatlong pagkakataon, at miyembro rin ng Naismith Memorial Hall of Fame. (AFP)