Magsasama ng puwersa sina Charles Barkley at golf champion Phil Mickelson laban kina Stephen Curry at Peyton Manning na gaganapin sa Nov. 27 sa Stone Canyon Golf Club sa Arizona.

Ang kahalintulad na high-profile match ay unang nilahukan nina Mickelson at Tiger Woods dalawang taon na ang nakakalipas sa Las Vegas kung saan si Mickelson ang tinanghal na kampeon para makuha ang $9 million na premyo.

Ang torneyo ay tatawaging Capital One’s The Match: Champions for Change kung saan ay merong modified alternate shot at isasagawa ito pagkatapos ng Thanksgiving Day.

Noong buwan lamang ng Mayo sina Manning at Tom Brady ay lumahok din sa isang match kung saan nakatipon ito ng $10 million para sa coronavirus relief efforts.

Ang proceeds naman ngayong November ay ibibigay sa Black colleges at universities.