-- Advertisements --

Tiniyak ng National Grid Corporation of the Philippines na nakabantay sila sa lahat ng kanilang transmission lines sa posibleng epekto ng Bagyong Crising.

Ayon sa ahensya, sa ngayon ay nananatili pa rin sa normal na kalagayan ang lahat ng mga transmission line .

Paliwanag ng ahensya na nakahanda sila para maibsan ang epektong dulot ng pananalasa ng bagyo na siyang nagpapalakas sa hanging habagat na tumatama sa kanilang mga komunidad.

Pinaghahandaan nila ang mas maayos at maaasahang komunikasyon, sapat na supply ng piyesang kinakailangan sa pagkukumpuni ng mga masisirang facilities.

Kabilang na ang positioning at deployment ng kanilang mga line crew partikular na sa mga istratehikong lugar.

Sa ganitong pamamaraan ay matitiyak ang mas mabilis na pagresponde ng kanilang mga tauhan sa kanilang mga linya.