-- Advertisements --
Kasalukuyang ipinatupad at umiral ngayon sa lalawigan ng Isabela ang liquor ban bilang paghhanda at pagiingat sa posibleng epekto ng Bagyong Crising sa bansa.
Sa ilalim ng ordinance 2020-13-1 na siyang umiiral ngayon sa lalawigan, mahigpit nang ipinagbabawal ang pagbebenta, pagbili at pag-inom ng alak sa kasagsagan ng mga bagyo o kahit anumang kalamidad.
Sakali namang mahuli ang mga residente na lumabag sa ordinansa papatawan ng P4,000 multa ang mga hindi susunod sa patakarang ito habang P2,000 naman ang mlta para sa mga mahuhuling umiinom ng alak.
Samantala, kaugnayan naman nito ay nagpatupad na rin ang lalawigan ng “no swimming” at “no fishing” dulot pa rin ng masamang panahon dla ng Bagyong Crising.