-- Advertisements --

LAOAG CITY – Nagsimula nang magsidatingan ang mga tao sa iba’t-ibang sementeryo sa lalawigan ng Ilocos Norte para sa pagbisita sa mga puntod ng kanilang mahal sa buhay.

Ayon kay Mr. Timoteo Domingo Jr., Chief Tanod – Barangay 1, Laoag City, maaga silang pumunta sa apat na malalaking sementeryo sa kanilang barangay.

Sinabi nito na mas maiging maaga ang mga taong bibisita sa mga puntod para hindi na sila makikisabay sa mga maraming tao mamayang hapon at gabi.

Inihayag niya na maliban sa kapulisan ay nadeploy rin ang mga tanod sa kanilang barangay at mga tanod sa iba pang barangay ng lungsod.

Inayos na nila ang deployment, takbo ng trapiko at hindi makakapasok sa loob ng sementeryo ang mga nakainom ng alak para hindi na maulit ang magulong sitwasyon noong nakaraang taon.

Samantala, nagsimula na rin ang liquor ban dito sa lalwigan ng Ilocos Norte kaninang alas-dose ng madaling araw at magtatapos hanggang 11:59 PM bukas.