-- Advertisements --

Ipinatutupad ang liquor ban sa buong lalawigan ng Quezon hanggang Nobyembre 11, 2025 bilang bahagi ng paghahanda sa posibleng epekto ng bagyong Uwan.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, layunin ng naturang kautusan na mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng publiko sa gitna ng inaasahang masamang panahon.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta, pagbili, at pag-inom ng nakalalasing na inumin sa lahat ng bayan at lungsod ng Quezon.

Ipinaalala ng mga awtoridad na ang sinumang lalabag ay maaaring masampahan ng kaukulang reklamo at pagmultahin alinsunod sa umiiral na batas.

Kasabay nito, patuloy ang koordinasyon ng lokal na pamahalaan sa mga ahensya ng gobyerno para sa mabilis na pagtugon sa anumang emergency.

Nanawagan din ang mga opisyal sa publiko na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso upang maiwasan ang anumang insidente.

Ang liquor ban ay mananatiling epektibo hanggang matapos ang panahon ng bagyo.