Nagpapagaling na umano sa kanilang tahanan si NBA great Patrick Ewing makaraang ma-diagnose na may COVID-19.

Noong nakaraang linggo nang isugod sa ospital ang 57-anyos na Hall of Famer matapos ianunsyo na nagpositibo ito sa nakahahawang sakit.

Ayon sa kanyang anak na si Patrick Jr., patuloy ang pagbuti ng kalusugan ng kanyang ama.

Nagpasalamat naman ang pamilya sa lahat ng mga hospital staff na nag-alaga sa dating New York Knicks star, maging sa kanyang mga tagahanga na nag-alay ng panalangin para sa ikagagaling nito.

“My father is now home and getting better. We’ll continue to watch his symptoms and follow the CDC guidelines. I hope everyone continues to stay safe and protect yourselves and your loved ones.”

Kung maaalala, si Ewing ay naging miyembro ng tinaguriang “Dream Team” na nagbulsa ng gold medal noong 1992 Olympics.