Wala umanong balak ang pamunuan ng NBA na pansamantalang ipatigil ang mga laro dahil sa nakanselang games bunsod ng ilang mga nagpositibo sa COVID-19 na mga staff at players.

Ayon sa liga, inaasahan na nila ang mga kanselasyon ng mga laro dahil sa patindi pa rin ang mga kaso ng deadly virus.

Sinabi ng NBA, patuloy silang sumusunod sa mga payo ng kanilang mga medical experts at health at safety protocols.

Nitong araw kinansela ang game ng Boston Celtics at Miami Heat dahil sa kakulangan ng mga players matapos na ma-expose ang iba sa mga ito sa COVID positive.

Para naman kay NBA commissioner Adam Silver, nanindigan ito sa patakaran na pwedeng ituloy ng isang team ang laro basta may minimum na walong mga players.

Nitong nakalipas na araw ang Philadelphia 76ers at Boston Celtics ay bigo rin na maabot ang requirements dahil sa ilang players ang nagpositibo sa COVID at ang iba naman ay nailagay sa contact tracing.

Umaasa naman ang liga na babalik sa normal ang lahat kapag sumailalim na sa bakuna ang mga players.