-- Advertisements --

Napanatili ng tropical depression Crising ang taglay nitong lakas ng hangin sa mga nakalipas na oras.

Ang bagyong ito ay namataan sa layong 625 km silangan ng Virac, Catanduanes, at kumikilos pakanluran-hilagang kanluran sa bilis na 20 km/h.

May hangin itong 45 km/h at pagbugso ng hangin hanggang 55 km/h at may malawak na epekto sa hangin hanggang 280 km mula sa gitna.

Sa ngayon, wala pang wind signals na naka-taas, ngunit posible itong ideklara sa Cagayan Valley ngayong gabi o bukas ng umaga.

Nagbabala ang mga eksperto sa posibleng malakas na ulan dulot ni Crising at ng habagat, lalo na sa mga rehiyon sa timog at silangang Luzon.

Ang pinakamataas na maaaring itaas na wind signal ay Signal No. 3 o 4 kung titindi pa ang bagyo.

Inaasahang mararanasan ang malalakas na hangin sa Palawan, Visayas, at ilang parte ng Mindanao mula ngayon hanggang Biyernes.

May babala rin sa mga mangingisda hinggil sa maalon na karagatan (hanggang 2.5 metro ang taas), kaya’t pinapayuhang umiwas muna sa paglalayag.