Adam Silver
NBA Commissioner Adam Silver

Posibleng mahinto muli ang mga laro sa NBA kapag patuloy na tumaas ang bilang ng mga manlalaro at staff na nagpopositibo sa coronavirus.

Sinabi ni NBA Commissioner Adam Silver, kanilang pinag-aaralan ang kalagayan ng mga players na maging ligtas sa COVID-19.

Kapag lalong dumami pa aniya ang mga nadadapuan ng coronavirus ay kanilang kakanselahin ang mga laro.

Malaki rin ang tiwala nito na magiging mahigpit ang ipapatupad na health protocols sa mga playing court.

Magugunitang nakatakda sa July 30 na ang pagbubukas na ng mga laro sa Walt Disney World Resort sa Florida.