Nagkasundo na rin ang pamunuan ng NBA at ang National Basketball Players Association sa mga patakaran na dagdagan pa ang pagkuha ng mga manlalaro bilang reinforcements para sa mga team na tinatamaan ng COVID-19 outbreak.
Ang hakbang ng liga ay dahil na rin sa nadadagdagan pa ang mga kanseladong laro bunsod ng dumaraming mga players na isinasailalim sa quarantine at ang iba naman ay tinatamaan ng coronavirus.
Ang bagong patakaran ay magiging epektibo hanggang Enero sa susunod na taon.
Kabilang sa kasunduan, kung ang isang team ay merong limang players na nagpositibo sa COVID-19, papayagan ang koponan na agad na kumuha ng lima ring ring kapalit na palayers.
Una rito, nitong araw lamang tatlong NBA games ang kinansela, habang dalawa namang laro ang hindi rin matutuloy bukas.
Kabilang sa mga kanseladong laro dahil sa COVID cases ay ang banggaan ng New Orleans Pelicans versus Philadelphia 76ers, Cleveland Cavaliers at Atlanta Hawks, Nuggets kontra Nets, Orlando Magic laban sa Toronto Raptors at bukas ang Wizards versus Brooklyn.