-- Advertisements --

Naibenta sa halagang $12.932 milyon ang NBA card na pirmado nina Michael Jordan at Kobe Bryant.

Isang uri ito ng 2007-08 Upper Deck Exquisite Collection Dual Logoman Autographs Jordan and Bryant Card.

Nahigitan nito ang 1952 Topps Mickey Mantle card na naibenta sa halagang $12.6-M noong Agosto 2022.

Ito na ang pangalawang pinakamahal na sports collectible na ang una ay ang 1932 World Series “Called Shot” Jersey n baseball legend Babe Ruth na nabili sa halagang $24.12-M noong 2024.