Inasahan na ni NBA Commissioner Adam Silver ang ilang milyong pagkalugi nila dahil sa naging galit ng China.

Nagbunsod ang nasabing galit ng China dahil sa tweet ng general manager ng Houston Rockets na si Daryl Morey na sinusuportahan ang Hong Kong pro-democracy protesters.

Ayon kay Silver na hindi bababa sa $400 million ang lugi nila mula ng mangyari ang insidente noong Oktubre.

Dahil kasi sa pangyayari ay itinigil na ng pinakamalaking tv network sa China ang pag-ere ng mga laroat maging ang mga exhibition game sa bansa ay hindi na natuloy.

Umaasa pa rin ito na magbabago ang isip ng China at sila ay makabalik sa pag-ere ng mga laro doon.