Nagkansela ng pasok sa paaralan ang ilang lugar sa bansa dahil sa inaasahang malalakas na pag-ulan dulot ng bagyong Crising ngayong Hulyo 18, 2025.
Sa Metro Manila ay Huwebes pa lamang ng gabi ay inanunsiyo ng mga sumusunod na lugar ang kawalan ng pasok: no face to face all levels public ang private ang mga lugar ng: Muntinlupa City -San Juan City ,Taguig City , Valenzuela City , Marikina City, Mandaluyong City, Malabon City, Las Pinas City at Caloocan City.
Habang sa Baguio City ay mula preschool hanggang senior high school public at private ganun d in sa Dagupan City sa lalawigan ng Pangasinan, all -levels public at private.
Buong probinsya ng Ilocos Norte , Ilocos Sur at Bataan naman ay nagdeklara ng walang pasok sa lahat ng antas pribado man o pampubliko.
Ilang bayan naman sa lalawigan ng Pangasinan ang nagdeklara ng kanselasyon ng pasok ang mga sumusunod: Umingan, San Jacinto, Pozorrubio, Rosales, Infanta at Alaminos City.
Sa lalawigan ng Cagayan ay ang mga lugar ng Claveria, Sanchez Mira, Sta Praxedes at Sto. Nino at sa Talavera sa Nueve Ecija.
Buong probinsiya rin ng Batangas, Cavite, Laguna, Quezon ,Rizal at sa Catanduanes ang nagdeklara ng kawalan ng pasok sa eskuwela.
Habang Palawan naman ay ang mga lugar ng San Vicente at Aborlan samantala sa Occidental Mindoro ay tanging ang Magsaysay ang nagkansela ng pasok sa eskuwela.
Sa Camarines Norte naman ay tanging ang Daet at Vinzons ang nagdeklara ng kawalan ng pasok.
Sa probinsya naman ng Iloilo ay ang mga lugar ng Pavia, San Joaquin at Iloilo City.
Habang sa Antique ay ang mga lugar ng Sibalom at Valderama.
Sa Negros Island Region ay ang mga lugar ng Talisay City, Sipalay, Isabela, Hinigaran, Don Salvador Benedicto, Calatrava, Cauayan at Binalbagan.
Buong probinsiya rin ng Negros Oriental at Siquijor ang nagdeklara ng kanselasyon ng pasok.
Kasama rin na nagdeklara ng kawalan ng pasok ang Zamboanga City at Cebu City.