-- Advertisements --

Nakaantabay lamang ang North Atlantic Treaty Organization (NATO) forces sa eastern Europe dahil sa tumataas na tensiyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Sinabi ni NATO Secretary General Jens Stoltenberg na patuloy ang kanilang ginagawang mga hakbang para maprotektahan kanilang mga kaalyadong bansa gaya ng pagpapadala ng mga dagdag na barkong pandigma at mga fighter jets.

Nauna ng itinanggi ng Russia na sila ay aatake sa Ukraine.

Pinag-iisipan naman ng US na palakasin ang kanilang puwersa rin sa Baltic at Eastern Europe sakaling ituloy ng Russia ang pag-atake.

Nakatakda ring magpulong ang mga opisyal ng France, Germany, Russia at Ukraine sa Enero 26 para pag-usapan ang lumalalang tensiyon sa Ukraine.