-- Advertisements --
Nanawagan ang North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa China na dapat tigilan na nito ang ginagawang pananakot sa Taiwan.
Ayon kay Nato Secretary General Jens Stoltenberg , kahit na hindi nila miyembro ang Taiwan ay batid niya ang maling ginagawa ng China.
Malaking hamon aniya ito sa kanila dahil nagdudulot ng banta sa seguridad sa lugar.
Magugunitang makailang beses na ikinagalit ng Taiwan ang ginawang pagpapalipad ng China ng kanilang fighter jets sa kanilang himpapawid.
Tinawag naman ni Chinese foreign minister Zhao Lijian na iresponsable ang naging pahayag ng NATO chief.
Inakusahan pa ni Zhao na tila nanghihikayat ng kaguluhan pa ang NATO.