NAGA CITY – Umabot sa P1.3-M ang nakumpiskang iligal na droga sa dalawa katao sa Barangay Irayang Sulong, Minalabac, Camarines Sur.

Kinilala ang Lorraine Santiago-Espelita, 32-anyos at John Lennon Espeso,24-anyos.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCapt. Ryan Bagasala, hepe ng Minalabac-PNP, sinabi nitong isinagawa nila ang operasyon sa residensya ng suspek na si Espelita kung saan nakabili ang mga otoridad ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P10,000.

Maliban dito, nakumpiska rin sa suspek ang tinatayang nasa 200 gramos ng shabu na tinatayang aabot sa P1.3-M ang halaga.

Sa ngayon, nananatili na sa kustodiya ng mga otoridad ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.

Samantala, nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad habang napag-alaman na mulaa sa Maynila ang mga nakumpiskang iligal na droga.