-- Advertisements --

Mahigit sa 5,000 Pilipino sa Sabah ang gusto na umanong makabalik ng Pilipinas sa gitna ng COVID-19 pandemic lalo pa’t tumataas ang bilang ng COVID cases sa Malaysia.

Sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana, nasa 1,570 na ang nakauwi habang mahigit 3,300 pa ang naghihintay sa repatriation.

Ayon kay Sec. Lorenzana, hindi naman pinapaalis ng Malaysia ang ating mga kababayan pero sila ang nagboluntaryong mapauwi na.

Inihayag ni Sec. Lorenzana na karamihan sa mga repatriates mula Sabah ay taga-Bangsamoro region, kung saan 70 hanggang 80 porsyento ay mula Tawi Tawi.

“Gusto na rin po nilang umuwi, karamihan sa kanila dahil for a while tumataas ‘yung kaso doon sa Malaysia. Gusto nilang umuwi dito sa’tin,” ani Sec. Lorenzana. “Hindi naman sila pinapaalis yata ng ating mga kapitbahay pero they are volunteering to come home, 5,300 of them. Mga voluntary umuuwi ‘yan.”