-- Advertisements --

Nagbanta si US President Donald Trump na kaniyang papatawan ng 50 percent na taripa ang lahat ng mga produkto na galing sa European Union habang 25 percent dinsa mga Apple products.

Sinabi Trump na hanggang hindi gawa sa US ang mga produkto ng Apple ay hindi niya ititigil ang pagpataw ng taripa.

Giit pa nito na walang patutunguhan ang mga naging usapin nila ng EU kaya epektibo na sa Hunyo 1 ang pagpataw ng 50 percent na taripa.

Hindi kasi nagkasundo si Trump ang mga EU kung saan ipinagpipilitan nila ang zero percent at hindi sumasang-ayon sa 10 percent na baseline-tax ng US.

Magugunitang maraming mga lider ng bansa ang nakipag-usap ng personal si Trump dahil sa banta nitong mataas na taripa kung saan napapapayag nila ang US President na bawasan ito.