Ibinunyag ni Senator-elect Panfilo “Ping” Lacson na hindi bababa sa 13 kasalukuyan at papasok na mga senador ng 20th Congress ang nagpahayag na nagnanais na magkaroon ng independent, credible, at transparent na pangulo ng Senado.
Binigyang-diin ni Lacson na kung sino man ang makakuha ng suporta, ang Senate President ay dapat na independent transparent at competent.
Dagdag ng dating senador, “individually” ang naturang diskusyon.
Samantala, nang matanong pa ito kung sino ang nangunguna base sa mga nabanggit na pamantayan, tumanggi na itong magbigay ng pangalan at aniya mapagpapasyahan pa ito sa pagbubukas ng 20th Congress.
Upang magkaroon ng bagong Senate President, kinakailangan ng 13 boto mula sa 24 na mga senador.
Una nang sinabi ni Senador Francis “Chiz” Escudero, kasalukuyang Senate President, na ang sinuman ang may sapat na bilang ng boto ay dapat tanggapin ang responsibilidad at hamon ng pamumuno ng lehislatura.