Tuluyan nang nahatulan ng Sandiganbayan si Janet Lim-Napoles, tinaguriang “pork barrel scam queen,” kaugnay ng maling paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF).
Sa inilabas na desisyon, napatunayang guilty si Napoles sa mga sumusunod:
Graft, dalawang bilang ng malversation of public funds at dalawang bilang ng falsification of public documents
Kasama sa nahatulan sina: ang pangulo ng National Livelihood Development Corporation at Michael Benjamin, dating political affairs chief ni dating Senador Gregorio ‘Gringo’ Honasan.
Ang kaso ay may kaugnayan sa umano’y paglipat ng pondo mula sa PDAF patungo sa mga pekeng NGO na pinamunuan ni Napoles, kapalit ng umano’y kickbacks. Isa ito sa mga natitirang kaso na may kaugnayan sa malawakang pork barrel scam na yumanig sa bansa noong dekada 2010.















