Naghahanda ang kampo ni Janet Lim-Napoles ng kaso laban sa tatlong mahistrado ng Sandiganbayan na naglabas ng guilty verdict laban sa kaniya dahil sa pork barrel fund scam.

Partikular na sasampahan umano ng reklamo sina Sandiganbayan first division Associate Justice Edgardo Caldona, Associate Justices Efren dela Cruz at Geraldine Faith Econg.

Giit ng panig ni Napoles, naglabas ng desisyon ang mga mahistrado kahit walang sapat na batayan.

Una rito, hinatulang guilty ng anti-graft court ang binansagang pork barrel scam queen para sa graft at malversation of funds na kinasasangkutan nito.

Kasama rin sa nahatulan si dating Cagayan de Oro City Rep. Constantino Jaraula.

-- Advertisement --

Umaabot sa P20.8 million ang sinasabing kinita ng mga sangkot sa aktibidad, makaraang idaan ang pondo ng gobyerno sa mga hindi lehitimong non-governmental organizations.