Reading Time: 1 minute
dog burial laoag

LAOAG CITY – Pinaglalamayan sa Ilocos Norte ang isang aso na shih tzu na pinangalanang Kaori sa bahay ng pamilya Curammeng sa Barangay 11, Sta. Rosa sa bayan ng Sarrat.

Ayon kay Dr. Racquel Curammeng, ang alaga nilang aso ay itinuturing na nilang miyembro ng kanilang pamilya.

Aniya, parang anak na nila ang nasabing aso dahil sa sobrang lambing nito at may mga ginagawa siya na itinuturing nilang pampatanggal ng stress.

Sinabi ni Curammeng na anim na taon na nilang alaga si Kaori at tuwing Mayo 24 na kaarawan nito ay nagse-celebrate sila.

Namatay si Kaori noong Hulyo 6 sa kasalukuyang taon dahil sa kanyang sakit.