-- Advertisements --

Pinuri ni Speaker Martin Romualdez ang mga Filipinong magsasaka sa kanilang nakamit na historic milestone ang record-breaking na produksiyon ng palay na umabot sa 20 million metric tons nuong 2023 na malaking kontribusyon sa naitalang kakulangan ng bigas sa bansa.

Sinabi ni Speaker Romualdez na kinilala rin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang kahanga-hangang tagumpay na ito, na iniugnay sa 1.5% na pagtaas mula sa nakaraang taon, kasama ang pangako ng gobyerno sa pagbibigay ng mga de-kalidad na punla at pataba.

Kinilala din ni Speaker Romualdez sina Pangulong Marcos at Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. sa kanilang hindi natitinag na dedikasyon upang palakasin ang modernisasyon sa sektor ng grikultura at pahusayin ang produksyon ng pagkain sa kabila ng mga hamon na dulot ng El Niño.

Giit ni Romualdez, ang pambihirang produksiyon ng bigas ay malaki ang naiambag sa pagtataas ng pinagsamang halaga ng sektor ng agrikultura at pangisdaan na nasa P1.763 trilyon noong 2023, na lumagpas sa P1.757 trilyon noong 2022.

“This exceptional achievement by our hardworking farmers is truly deserving of praise. They are undeniably the cornerstone and solution to our nation’s rice scarcity,” wika ni Speaker Romualdez.

Una ng ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagtaas ng rice production ng bansa.

Sabi ng Pangulong Marcos, ito ay dahil sa pinagsama-samang pagsisikap ng ibat ibang concerned agencies.

Sa kabilang dako, tiniyak naman ni Speaker Romualdez sa mga miyembro ng Philippine Rice Industry Stakeholders’ Movement (PRISM), ang hindi natitinag na suporta ng Kamara para labanan ang rice hoarders at smugglers at suportahan ang Marcos administration upang patatagin ang presyo ng bigas.