CAGAYAN DE ORO CITY – Sasampahan ng kasong murder ang 23-anyos na lalaking namugot ng ulo ng isang babae sa Purok 4, Barangay Punta Santiago, Talisayan, Misamis Oriental, kahapon ng madaling araw.

Ito’y matapos walang awang pinutol ni Lloyd Bagtong ang ulo ng hindi pa rin kilalang biktima sa naturang lugar.

Sinabi ni Talisayan Municipal Police Station commander Capt. Maribeth Ramoga na kanilang ipapasuri kung may deperensya ba sa pag-iisip ang suspek dahil sa hindi makataong ginawa.

Hindi pa kasi nakontento ang suspek dahil pinaniniwalaang ginawa pa nitong ulam ang utak sa pugot na ulo.

Nanawagan din ang pulisya sa kung sino man ang nawawalan ng kamag-anak na makipag -ugnayan sa kanilang himpilan.