-- Advertisements --

Lumobo pa sa 10,517 ang lumikas sa lalawigan ng Batangas dahil sa panibagong volcanic activity ng Taal volcano.

Sa nasabing bilang, 4,465 ang nasa 27 evacuation centers o katumbas ng 1,218 pamilya.

Nasa 6,000 naman ang namamalagi sa mga kaanak o nasa labas ng evacuation centers.

Maigting din ang pagbabantay sa limang barangay na sakop ng danger zone.

Ngayong araw lamang kasi ay limang phreatomagmatic eruption ang nangyari.

Bagama’t mahihina lamang ito, sinabi ng Phivolcs na indikasyon pa rin iyon ng abnormalidad ng Taal volcano.