Col Allen Rae Co
Col Allen Rae Co

CAGAYAN DE ORO CITY – Ligtas umano sa anumang criminal liabilities ang mga nag-resign na sina dating Philippine Military Academy Superintendent Lt. Gen. Ronnie Evangelista at Commandant of Cadets BGen. Bartolome Vicente Bacarro.

Kaugnay pa rin ito sa pangmamaltrato kay Cadet 4CL Darwin Dormitorio sa loob mismo ng akademya.

Ayon kay Baguio City Police Office Director, Col. Allen Rae Co sa panayam ng Bombo Radyo, labas na raw sa kanilang imbestigasyon sina Evangelista at Bacarro subalit hindi sila makakaligtas sa obligasyong administratibo dahil sa prinsipyo ng command responsibility.

Tinukoy ng opisyal na kabilang sa kakasuhan ay sina Cadet 1CL Axl Rey Sanupao; Cadet 3CL Shalimar Imperial; Cadet 3CL Felix Lumbag Jr; Cadet 3CL Julius Carlo Tadena; Cadet 3CL Rey David John Volante; Cadet 2CL Christian Zacarias; Cadet 3CL John Vincent Manolo; maging sina Army Capt. Flor Apple Apostol at Army Maj. Maria Ofelia Beloy na nagmula sa PMA Station Hospital.

Kakaharapin ng mga kadete ang kasong paglabag sa anti-hazing law and/or murder dahil sa ilang beses na pagmaltrato kay Dormitorio hanggang bawian ito ng buhay noong Setyembre 18.