Rafael Nadal
Rafael Nadal / IG post

Nagkampeon si Rafael Nadal sa French Open matapos talunin si Dominic Thiem.

Naitala ni Spanish tennis star ang score na 6-3, 5-7, 6-1, 6-1.

Dahil sa panalo ay siya lamang ang unang manlalaro na nanalo sa parehas na grand slam ng 12 beses na mayroon na siyang kabuuang 18 majors.

Ito na rin ang pangalawang Grand Slam final na pagkatalo ng 25-anyos na si Thiem matapos matalo siya sa tatlong set ni Nadal noong nakaraang taon sa parehas na torneo.