Rafael Nadal
Rafael Nadal/ IG post

Tinanghal na kampeon sa Italian Open si Rafael Nadal matapos talunin si Novak Djokovic.

Nakuha nito ang score na 6-0, 4-6 at 6-1 sa larong tumagal ng mahigit dalawang oras.

Ang nasabing match ay nagpapahiwatig ng muling paghaharap nila sa French Open na magsisimula sa susunod na buwan.

Ang world number 2 na si Nadal ay unang tinalo ni Djokovic sa Australian Open sa pagsisimula ngayong taon.