WUHAN, China – Umakyat na sa 54 ang bilang ng mga nasawi sa China bunsod nang pagkalat ng novela coronavirus (N-Cov).

Ayon sa mga aotoridad, pinakamatinding apektado ng viral outbreak ang probinsya ng Hubei kung saan naitala ang 13 fatalities doon at karadagang 323 na bagong kaso.

Dahil dito, ang kabuuang bilang ng confirmed infections sa China ay pumalo na sa 1,610, base na rin sa naunang datos na inilabas naman ng central government.

Kahapon, nagbabala na si President Xi Jinping sa posibilidad na maharap ang China sa isang “grave situation” habang doble kayod sa ngayon ang mga otoridad para lamang ma-contain ang respiratory illness na ito. (Agence France-Presse)