ILOILO CITY – Naging matagumpay ang ginanap na 3rd National Bombo Music Festival 2020 nitong Sabado ng gabi.

Bumuhos ang napakaraming music enthusiasts sa West Visayas State University Cultural Center kung saan nasaksihan ang world-class performances ng 12 finalists ng nasabing kompetisyon.

-- Advertisement --

Pasok sa Top 3 ang mga kantang “LDR” na isinulat ni Jose LG Fuentes ng Consolacion, Cebu; “Vows” na kinatha ni Jhannel Alvarado at Dave Alvarado ng Zamboanga City; at “I’ll Be Right By Your Side” na isinulat ni Elmar Jan Bolaño ng Tigbauan, Iloilo at Patrick Mark Armada ng Janiuay, Iloilo.

Hinirang na kampeon ng 3rd National Bombo Music Festival 2020 ang awiting “Vows,” at nakatanggap din sina Jhannel at Dave ng cash prize na P275,000 at trophy.

Tinanghal na first runner-up ang kantang “I’ll Be Right By Your Side” na kinatha nina Bolaño at Armada, na pinagkalooban ng P200,000 at trophy.

Nakuha naman ng kantang “LDR” ni Fuentes ang second runner-up at tinanggap niya ang P150,000 at trophy.

Hindi naman umuwing luhaan ang iba pang mga finalist dahil nakatanggap rin sila ng P75,000 bilang consolation prize.

Ginanap ang Bombo Music Festival 2020 sa West Visayas State Univesrsity Cultural Center.