Solis music festival
Solis music festival/ FB image

Hindi na itinuloy ang music festival sa Islamabad, Pakistan dahil sa nangyaring stampede.

Marami kasing mga concert goers na nakabili ng pekeng tickets ang nagpumilit na pumasok sa venue.

Dahil sa pangyayari ay nasira ang iniharang nilang mga barikada.

Maging ang VIP stage ay bumigay dahil sa overcrowding na nagresulta sa pagkakasugat ng ilang mga nanood ng concerts.

Nagreklamo rin ang ibang mga kababaihan dahil nakaranas sila ng pambabastos at yung iba ay hinipuan pa.

-- Advertisement --

Ang Solis Festival ay siyang pinakamalaking music festival sa Pakistan na magtatanghal ang ilang mga international artists.