andy murray
Andy Murray

Kapwa pasok sa singles quarterfinals sina Andy Murray at Bianca Andreescu sa China Open.

Ito ang unang pagkakataon na nakapaglaro si Murray matapos ang hip surgery noong Enero kung tinalo niya ang kapwa Briton na si Cameron Norrie sa score na 7-6 (6) , 6-7, 6-1.

Susunod na makakaharap nito kung sino ang mananalo sa pagitan nina Dominic Thiem at Zhang Zhizhen.

Tinalo naman ni U.S. Open champion Andreescu si Elise Mertens ng Belgium sa score na 6-3, 7-6 (5) sa second round.

Susunod nitong makakaharap sa third round si Jennifer Brady ng U.S.