DAVAO CITY – Nakakulong ngayon sa Tagum Police Station ang isang Municipal Nurse sa Pantukan Davao de Oro matapos itong mahuli ng otoridad na gumagamit ng illegal na droga.
Una ng nakilala ang suspek na si Lhowie Galarpe, na naabutan ng mga operatiba sa loob ng isang drug den sa Purok Gulayan, Brgy. Mankilam sa Tagum.
Ayon kay PDEA Regional Director Antonio Rivera, maliban sa nurse nahuli rin ang 11 iba pang mga indibidwal na nakilalang sina Rex Subana, drug den Maintainer, Jemar Pagal, Ralph Nikko Jimenea, Venzel Bitangan, Joener Baguio, Isidro Baquero Jr., Gerard Deguitos, Roy Pedrera, Robert Liban, Enrique Villegas at Norwin Galarpe.
Narekober ng otoridad ang 25 gramo ng droga na nagkakahalaga ng P170,000 , apat na mga pakete na may residue ng shabu, shabu paraphernalia, isang .45 Caliber pistol at isang .380 pistol.
Nakakulong na ngayon ang mga suspek at parehong mahaharap sa kasong paglabag Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 at Illegal Possession of Firearms.