Natuklasan ng mga siyentipiko sa Brazil ang isang bagong species ng ”giant dinosaur ”, na may kaugnayan sa isang katulad na fossils na natagpuan sa Spain, na nagpapakita ng ebidensyang may minsang nagkaroon ng mga land routes na nagkakabit sa bahagi ng South America, Africa, at Europe mga 120 milyong taon na ang nakalilipas.
Pinangalanang Dasosaurus tocantinensis, ang bagong species na isa sa pinakamalaki na natagpuan sa South American at inilarawan ngayong buwan sa Journal of Systematic Paleontology.
Nabatid na natagpuan ang fossil noong 2021 sa isang lugar malapit sa Davinopolis, Maranhao, Brazil. Pinangunahan ang pananaliksik ni Elver Mayer mula sa Federal University of the Sao Francisco Valley.
Kasama sa mga natagpuang labi ang isang femur na may humigit-kumulang 1.5 metro (59 inches), na nagbigay-daan sa mga siyentipiko na tantiyahin ang dinosaur na umabot ng halos 20 metro ang haba.
“As the excavation progressed over the days, we began to see the evidence of that huge bone, which is the femur,” ani Leonardo Kerber, paleontologist sa Federal University of Santa Maria (UFSM) na isa sa tumulong sa pag-aaral.
“This indicates it was a very large dinosaur. Today we know Dasosaurus is among the biggest dinosaurs ever found in Brazil”
Ayon sa UFSM, ang pagsusuri ay nagpakita na ang species ay pinakamalapit na kamag-anak ng Garumbatitan morellensis, isang dinosaur na natagpuan sa Spain.
Ang kanilang lineage ay pinaniniwalaang galing sa European at maaaring kumalat sa South America mga 130 milyong taon na ang nakalipas.










